
Ang tunay na Babae ay ganito, Ang tunay na babae ay ganyan.. Pero naisip ko lang Ang Tunay na Babae ay nilikha ng Diyos, Hindi man perpekto, may mga bagay man na di niya kayang gawin, May mga tao man siyang nasasaktan, Hindi man niya kayang gawing maayos ang lahat ng bagay, baluktot man minsan ang takbo ng isip niya, yung tipong hindi marunong mangatwiran, minsan hindi malaman kung ano ang dapat unahin, ang paggamit ba ng puso niya o ng utak niya (na kahit naman ang mga lalake ay nahihirapan sa ganyang sitwasyon), Taglay naman niya ang pusong mapagkalinga , ang tapat na pagmamahal sa Panginoon, hindi naman mahalaga kung ilang beses man siyang nadapa bago siya natuto, ang mahalaga at higit na dapat tingnan ay ang pagkakataong natuto siya sa mga munti at malaking pagkakamaling nagawa niya sa buhay, Ang Tunay na Babae ay hindi Perpekto, hindi siya ROBOT na pwede mong gawin at utusan na gawin ang ganito at ganyan, dahil gaya nga ng palagi kong naririnig ang tao, napapagod din, Kung ang Robot nga nauubusan ng battery, Tao pa kaya ?? Ang Tunay na babae ay likas ng kaayaaya, kahit na ilang kalsada na ang nilakad, ilang labada na ang nilabhan, ilang kilong gulay na ang tinadtad, at ilang kape na ang natimpa, likas na makikita ito sa kanilang mga mata, Ang tunay na Babae ay mapag aruga, Lahat gagawin para sa pamilya, gumigising ng maaga para ipaghain ng pagkain si ama, si ate, si kuya at si bunso maski kasama pa si Lolo at Lola.. Hindi siya manghihinayang gumising ng maaga para sa pamilya niya. Kakainin niya nalang ibibigay pa niya sa kanila, ganyan ang tunay at responsableng babae.. Uunahin ang iba bago sarili, pero dapat bigyang halaga sila. Irespeto, Mahalin at Pahalagahan.
Sino nga ba ang Tunay na Babae?
Sila ang ating mga Ina. :)
Maligayang Araw ng Mga Ina :)
sa lahat ng Nany, Momma, Mommy, Mama, Ma. Mi, Inay, at kung ano pang tawag sa kanila.. :)
--Joan Gardona Andrada
No comments:
Post a Comment