Thursday, April 11, 2013


Sino nga ba magaakala na ang dalawang taong walang ginawa kundi magasaran ay pwede din naman palang magkasundo? Hmm. I guess God really wanted this man and woman to meet and eventually be together.  Sa dami ng taong sa mundo, sabihin na nating bilyon? o milyon (ah basta maraming tao sa mundo) maiisip mo bang pwede mong makilala yung tao na magpapabago ng buhay mo? Siguro sa umpisa hindi, pero darating yung punto sa buhay nyo na mauunawaan mo na hindi aksidente and its God's will talaga para magtagpo yung landas nyo. Kahit ung napaka komplikadong sitwasyon kakayanin nyo kasi naniniwala kayo pareho na darating yung araw na magiging masaya kayo na magkasama,  Lahat ng pagsubok Lahat ng pang unawa gagawin mo, kahit na minsan nasasaktan ka na, iniisip mo pa rin yung mga magagandang bagay na pinagsamahan nyo, yung mga simple ngiti na nagagawa nyo para sa isa't isa at yung mga panahon na pinawi nyo ang lumbay ng bawat isa. Hindi man maintindihan ng mga tao ang mga desisyon at mga bagay na nais nyo para sa isat isa, Ang mahalaga alam nyo pareho, ng pamilya nyo at ng mga taong pinagkakatiwalaan nyo, Wala ng mas hihigit pa don.  Yung tipong harapan ka man ng isandaanglibong dahilan para bumitaw, mangngibabaw pa rin yung isang bagay na alam mong magbibigay ng lakas ng loob sayo para ipagpatuloy ang pagmamahalan nyo. For what it's worth we dont know but one thing's for sure, Hanggat masaya kayo sa isa't isa, hanggat nasa una ng relasyon nyo si God, magiging maayos ang relasyon nyo. <3